Masskara: Isang Panayam Tungkol sa Penomena ng Sensura

Bilang pagdiriwang ng Buwan ng Wika at Press Freedom Month ngayong buwan ng Agosto, inihahatid ng Heights – opisyal na pahayang pangliteratura ng Ateneo de Manila University – at ng College Editors Guild of the Philippines ang Masskara: Isang Panayam Tungkol sa Penomena ng Sensura. Ang aktibidad ay gaganapin sa Lunes, ika-15 ng Agosto sa Escaler Hall sa naturang unibersidad. Kabilang sa mga pag-uusapan ang sensura, ang kultura nito, at ang kalayaan sa pamamahayag. Panauhing tagapagsalita mula Unibersidad ng Pilipinas sina Prop. Michael Andrada ng Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas at Prop. Danilo Arao ng Departamento  ng Peryodismo.

Para sa mga interesadong dumalo, heto ang pahina ng aktibidad sa Facebook.

 

 

Leave a Reply

connington_vmz@mailxu.com