Solusyon, Hindi Ilusyon!

Nagtatangka nanamang tumakas ang pamahalaan na  solusyunan ang problema dulot ng pagbaha lalo na sa kalakhang Metro Manila. Imbis na pangmatagalang solusyon, isinusulong pa ng ilang mambabatas na ilipat sa Setyembre mula Hunyo ang pasukan para sa mga mag-aaral.

Hindi na natuto ang administrasyon mula sa mga nagdaang kalamidad na ating kinaharap. Kahit pa ilipat ang pasukan, mananatiling problema ang pagbaha hangga’t hindi naisasaayos ang mga kanal, drainage at pumping station sa kalakhang rehiyon. Bukod pa rito ang kalagayang maiuurong hanggang tag-araw ang klase ng mga bata, kung kailan kadalasang tumutulong sila sa kanilang mga magulang sa pag-ani ng palay upang may maipandagdag sa panggastos sa eskwela.

Hindi rin kakikitaan ng galing ang suhestiyon dulot ng kawalang katiyakan kung ang mga pagbaha  ay nangyayari lamang sa mga buwan ng Hunyo, Hulyo at Agosto. Tandaan nating ang mga sakuna tulad ng bagyong Ondoy, landslide at pagbaha ay nangyayari maging sa pagitan ng Setyembre at Disyembre.

Pangmatagalang solusyon ang kailangan at hindi pagtakas sa tunay na suliranin. Hindi maitutuwid ang baluktot sa pamamagitan ng pag-iwas dito.

Leave a Reply

garriottching@mailxu.com