Sa pagtatapos ng Strike week, Iskolar ng Bayan mula PUP dumaluyong sa Mendiola

September 21, 2012

News Release

 

Sa pagtatapos ng Strike week,

Iskolar ng Bayan dumaluyong sa Mendiola

 

September 21 – Sa pangunguna ng Sandigan ng Mag-aaral para sa Sambayan (SAMASA), at Sentral na Konseho ng Mag-aaral (SKM), dumaluyong patungong Mendiola ang mga estudyante ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas(PUP) kasama ang iba pang mga Iskolar ng Bayan mula sa iba’t-ibang unibersidad upang paigtingin ang panawagan sa mataas na badyet sa edukasyon at ang pagkundena sa Roadmap On Public Higher Education Reform ng administrasyong Aquino at ng Commission on Higher Education (CHEd).

Sinimulan ang pagkilos sa pamamagitan ng isang programa upang hikayatin ang mga mag-aaral mula sa iba’t ibang kolehiyo na makiisa sa malawakang walk-out. Tinalakay rin sa nasabing programa ang mga isyung kinakaharap ng pamantasan upang imulat ang kabataan sa totoong kalagayan ng edukasyon sa PUP at sa iba pang unibersidad.Sa ganap na 11:30 ng umaga, dumagsa  ang laksa-laksang bilang ng kabataan sa lansangan upang igiit ang dagdag badyet at ipaglaban ang karapatan sa edukasyon. Nilahukan ito ng Unibersidad ng Pilipinas, Unibersidad ng Santo Tomas, Eulogio “Amang” Rodriguez Institute of Science and Technology (EARIST) at iba pang mga SUCs na nagkaisa upang labanan ang tumitinding komersyalisasyon sa edukasyon.

Ang Roadmap ng kasalukuyang rehimen ang naging pangunahing paksa ng mga panawagan. Ito ay naglalaman ng mga reporma sa edukasyon na tinutulak  ang State Universities and Colleges (SUCs) na maging self-sufficient sa taong 2016.

“Isang malinaw na manipestasyon ng pag-aabandona ng gobyerno sa edukasyon ang Roadmap at ang mapanlinlang na badyet hindi lang sa PUP kundi pati rin sa ibang SUCs. Kung hindi tayo kikilos at lalaban, sa susunod na taon, wala ng PUP;at ang edukasyon ay pribelihiyo na lamang,”pahayag ni PUP Student Regent Helen Alfonso. ###

 

merdianrayford@mailxu.com