Street Painting at Educ Jam, ginanap sa ikatlong araw ng PUP strike

 

Angielyn Moreno

09161562705

Media Liaison, PUP 

Setyembre 19—Sa pagsisimula ng ikatlong araw ng strike, nagsagawa ng malawakang street painting at teach-in ang mga estudyante ng PUP sa strike area.

“Upang ipinta ang kanilang mga hinaing laban sa pag-aabandona ng estado sa sektor ng edukasyon, kalsada ang napiling canvass ng mga iskolar ng bayan. Ito ay isa lamang porma ng protesta ng mga estudyanteng sawang-sawa na sa pagsasawalang-bahala ni Noynoy Aquino sa mga kabataan,” pahayag ni Kristel Constantino, Konsehal ng Sentral ng Konseho ng Mag-aaral.

Matapos ang mga teach in, nagkaroon ng Educ Jam na binubuo ng Acoustic Night at Poetry Night na pinangunahan ng KM 64 Poetry Collective at Kamanyang Artist Collective. Ito ay dinaluhan ng mga estudyanteng nagpakita ng talento sa paglikha ng mga tulang sumusuporta sa strike na inilulunsad ng pamantasan.

Leave a Reply

buchmannjanelle@mailxu.com