AO 31. Binatikos ng mga Mamamahayag Pangkampus, Malakanyang Pasakit sa Sambayanan!

Malacañang Palace Hall

Malacañang Palace Hall
Photo retrieved here.

Kasabay ng kaliwa’t kanang pagtaas ng presyo ng bilihin, pagdami ng mga Pilipinong walang trabaho, at lumalalang kagutuman sa bansa, arangkada pa rin sa pagpapahirap sa masa ang rehimeng US-Aquino2.

Sa bisa ng Administrative Order No. 31 na nilagdaan ni Benigno Simeon Cojuangco- Aquino III nitong Oktubre, pinahihintulutan ang mga ahensya ng gobyerno na magtaas at/o magdagdag ng bayarin sa kanilang mga serbisyo. Ilan lamang sa mga bayaring ito ay ang iba’t-ibang  buwis, toll at transaction fees para sa pagpoproseso ng dokumento sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan.

Kabilang na rin sa mga tatamaan ng inilabas na administrative order ang lahat ng kukuha ng birth, marriage, death certificate o alinmang dokumento at serbisyong imbes na pinabababa ang presyo ay patuloy na ginagawang negosyo ng pasakit na administrasyon.

Dulot ng naipasang kautusan, higit na pahirap ang aasahan ng mga aplikante sa iba’t-ibang kumpanya na humihingi ng sangkatutak na requirement. Imbes na ilapit sa taong bayan ang mga serbisyo ng pamahalaan, lalo pang itinutulak ng rehimeng Aquino sa kahirapan ang ating mga kababayan.

Tunay na walang ibang gampanin ang rehimeng Aquino kundi maging salot sa sambayanang Pilipino. Walang maasahang pag-unlad ang mahihirap sa ilalim ng rehimeng panig lamang sa interes ng mga negosyante’t naglalakihang kompanya. Patuloy na gagawing negosyo ng kasalukuyang administrasyon ang gobyerno sa pamamagitan ng samu’t saring buwis at paggatas sa mas malawak na hanay ng masa. ###

Leave a Reply

raymos.belinda@mailxu.com fritter_florencia@mailxu.com