Supreme Court, sinugod ng netizens bilang protesta laban sa Cybercrime law

 

Pinangunahan ng Bagong alyansang makabayan ang protesta kaninang 10:30 ng umaga sa harap ng Supreme Court upang yanigin ang pamahalaan at ibasura ang cybercrime prevention law.

Ilan sa mga personalidad at organisasyong  dumalo ay si Bayan Muna Rep. Teddy Casiño, College Editors Guild of the Philippines, Kabataan Party List, bloggers, Heraldo Filipino ng La Salle Dasmariñas, mga alagad ng media, ilang estudyante mula Polytechnic University of the Philippines at Unibersidad ng Pilipinas.

Samantala, naghain naman ng petisyon si Kabataan Party List Representative Raymond Palatino laban sa cybercrime law, ito ang ika-anim na petisyong natanggap ng Supreme court laban sa mapanupil na batas na inaprubahan ni Pangulong Noynoy.

schoeneman.vmz