DAKILANG SUMPREMO: Panawagan para sa mga kontribusyon

COLLEGE EDITORS GUILD OF THE PHILIPPINES

SOUTHERN TAGALOG CHAPTER

DAKILANG SUMPREMO: Panawagan para sa mga kontribusyon  

“Kaya, o mga kababayan, ating idila ang bulag na kaisipan at kusang igugol sa kagalingan ang ating lakas sa tunay at lubos na pag-asa na magtagumpay sa nilalayong kaginhawahan ng bayan tinubuan.” 

-Gat. Andres Bonifacio, Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog

Hinihikayat ng College Editors Guild of the Philippines – Southern Tagalog ang lahat na magbigay ng TULA at LIKHANG SINING para sa darating na ika-149 na taon ng kapanganakan ni Bonifacio ngayong November 30.   

Ito ay bilang pagbibigay pugay sa Ama ng Rebolusyong Pilipino na si Gat. Andres Bonifacio kasama ang iba pang mga Katipunero sa kanilang magiting na pag-alay ng buhay para sa sambayanan upang lumaya ang mga Pilipino mula sa pananakop ng mga kolonyalistang Espanyol.

Ang deadline para sa pagsusumite ng mga gawa ay sa November 29, sa ganap na alas-12 ng hatinggabi. Isumite lamang ang mga tula at likhang sining sa cegp.st@gmail.com o dito sa aming Facebook page, CEGP Southern Tagalog. Ang lahat ng mga kontribusyon ay magiging bahagi ng aming website at ipopost dito sa Facebook sa November 30, Araw ni Bonifacio.

http://www.facebook.com/notes/cegp-southern-tagalog/dakilang-sumpremo-panawagan-para-sa-mga-kontribusyon/10151259978093094

maise@mailxu.com tinnes.fatimah@mailxu.com