EARISTians nagprotesta laban sa campus militarization, paglabag sa karapatang pantao

Hiniling ng mga estudyante ng Eulogio Amang Rodriguez Institute of Science and Technology (EARIST)  na palayasin ang mga militar at kapulisan sa kanilang paaralan na diumano’y nagdudulot ng takot sa mga estudyante, tatlong araw bago ang International Human Rights Day.

Halos isandaang estudyante sa Valenzia st., Earist Manila ang sabay-sabay sumigaw ng kanilang mga panawagan. Hiniling din nilang i-refund ang mga iligal na dagdag bayarin sa pamantasan tulad ng P1000 developmental  fee at P500 energy fee.

Nanawagan rin ang mga estudyante sa mga EARISTians na maging radikal lalo sa mga sitwasyong nagbabanta ang pamahalaan ng represyon sa hanay ng kabataan. Ayon kay Philip Bautista, tagapagsalita ng Katipunan ng mga Mag-aaral at Organisasyon (KAMAO,) student political party sa EARIST, “Huwag nating ikulong ang ating mga isip sa apat na sulok ng paaralan, kailangan nating pag-aralan ang sistema ng paaralan at lipunan, ‘yan ang daan upang maging tunay na pag-asa ng bayan.”

Ilan organisasyong pangkabataan rin ang nakiisa sa protesta, tulad ng Anakbayan-NCR, Student Christian Movement of the Philippines at College Editors Guild of the Philippines.

marsolekellen@mailxu.com