Panawagan para sa mga manggagawa ng Pentagon Steel Corp

981680_10152936921530514_795558143_o

Kuha ni CJ Chanco

Mariing kinukundena ng College Editors Guild of the Philippines ang karahasang dinanas ng mga manggagawa ng Petagon Steel Corporation sa kamay ng may-ari ng kumpanya na si Mariano Chan sa pagsagasa sa piket-protesta ng mga manggagawa sa tapat ng pabrika sa Quezon City ngayong Sabado ng hapon.

Ayon sa ulat, marami ang nasugatan, dalawang security guard ang nasagasaan at isa ang kumpirmadong patay nang masagasaan ng truck ng kumpanya.

Nananawagan ang Pambansang Opisina ng CEGP sa mga mamamahayag pangkampus, estudyante, kabataan at iba pang mamamayan na tumungo at suportahan ang mga manggagawa laban sa karahasan at para sa maayos na kabuhayan.

-Marc Lino Abila
CEGP National Deputy Secretary General

Leave a Reply

demarcecyril@mailxu.com